Alumnus

Ursula C. Uy

Batch 2019
BS Psychology
St. Scholastica’s College, Manila –

Nahanda po ako ng db for college not only in the academic aspect but most especially in the social aspect. Sobrang naging welcoming and interactive yung school. If I had stayed in my previous school, I wouldn’t have experienced the various opportunities that db had to offer me. Dati po kasi takot ako sa tao, di ako masyadong nakikipagkaibigan. Pero sa db po kasi maski di ka makipagkaibigan, magkakaroon ka pa rin ng kaibigan eh hehe. And hindi lang yung students yung nagbigay ng lively environment, pati na rin yung teachers, priests, brothers and staff. Di ko nafeel na kailangan kong baguhin sarili ko kasi pinaramdam sakin ng school na tanggap ako para sa kung sino ako. Overall, sobrang saya and ganda ng experience ko sa db. Maski graduate na ko, di ko mapigilan yung sarili kong bumalik ng db. And sigurado rin akong yung mga memories ko sa db is yung dadalhin ko hanggang sa pagtanda.